Testigo vs Filipino-American lalantad

MANILA, Philippines - Maliban sa video footage ay may hawak ring mga testigo ang dalawang kaal­yadong partylist groups ng Armed Forces of the Phi­ lippines na magpapatunay laban sa tunay na pagkatao ng kontrobersyal na Fil-American activist na naku­nan ng video habang nag­sa­sanay sa kampo ng mga rebeldeng New People’s Army sa isang lugar sa kabundukan ng Luzon.

Nauna rito, hinubaran ng Alliance for Nationalism and Democracy at Bantay partylist groups nina Reps. Pastor Jun Alcover at ret. Major Gen. Jovito Palpa­ran ang li­him ng Fil-American na si Melissa Roxas.

Ikinakatwiran naman ng militar na mga dating kasa­mahang rebelde ni Roxas ang dumukot at tumorture rito matapos na mabatid na plano nitong tumiwalag sa partido komunista upang landasin na ang pagbaba­gum­bu­hay. (Joy Cantos)

Show comments