MANILA, Philippines - Nanguna na naman si Nacionalista President Sen. Manny Villar sa pinakabagong pambansang non-commissioned presidential survey ng IBON Foundation Inc. na isinagawa nitong Hulyo 4 hanggang 11.
Base sa dalawang stage ng IBON survey na mayroong 1,495 respondents mula sa ibat-ibang panig ng bansa at tatlong porsiyentong plus/minus na error of margin, sumegunda na lamang kay Villar si Escudero na dating nanguna sa katulad na survey na isinagawa noong Abril 17- 26 ng taon.
Unang tinanong ang respondents ng pangalan ng napupusuang presidential candidate habang mayroon namang pagpipiliang mga pangalan ang ikalawang tanong.
Sa tanong na kailangang pangalanan ang presiden tiable, nakuha ni Villar ang 13.44% rating na sinegundahan ng 11.37% ni Escudero.
Sa ikalawang tanong naman na mayroong mga pangalang pagpipilian, nanguna pa rin si Villar na nakakuha ng 17.12% na sinegundahan muli ni Escudero sa kanyang 15.32%.
Sa una at ikalawang tanong sa latest survey ng IBON, nakakuha naman si dating Pangulong Joseph Estrada ng 11.3% at 11.57%, sinundan ng 9.5% at 12.11% ni Vice President Noli de Castro. (Butch Quejada)