MANILA, Philippines - Sa Nobyembre pa ma raramdaman ng milyon-milyong subscribers ng cellular phone ang mas mababang singil sa ipapatupad na “per second pulse rate.”
Sinabi ni National Telecommunications Commission Commissioner Ruel Canobas, kinakailangan pa ng mga telcos (telecommunication companies) ng 120 araw para mapalitan ang kanilang mga softwares na kasalukuyang ginagamit at sumisingil ng “per minute basis”.
Hindi naman mabanggit ni Canobas kung magkano ang sisingilin kada anim na segundong tawag.
Sa kasalukuyan, P6.50 hanggang P7.50 ang sinisingil ng mga telcos kada isang minutong tawag. Kabilang rito ang mga drop calls na lagpas sa anim na segundo na ikinukunsidera nang isang buong minutong tawag.
Nilinaw naman ng NTC na hindi sakop ng naturang kautusan ang mga international calls. (Danilo Garcia)