^

Bansa

Koko Pimentel nalo sa Senate Electoral Tribunal recount

-

MANILA, Philippines - Nanalo umano bilang senador si Aquilino “Koko” Pimentel III sa halalan noong 2007 at hindi ang mahigpit na karibal niyang si Miguel Zubiri na naka­upo ngayon sa mataas na ka­pulungan bilang ika-12 se­nador na ipinroklama ng Commission on Elections. 

Ito ay makaraang pu­mabor kay Pimentel ang ballot recount ng Senate Electoral Tribunal na ang basehan ay ang tinatawag nilang “pilot precincts”.

Base sa pilot precincts recount, umabante si Pi­mentel ng mahigit 200,000 boto laban kay Zubiri.

Ang pilot precincts na nagpatibay sa panalo ni Pimentel ay ang mga ba­yan ng Buluan, Ampatuan, Paglat at Guindulungan sa Maguindanao; Sultan Naga Dimaporo, Slavador at Matungao sa Lanao del Norte; Sultan Kudarat sa Shariff Kabunsuan at Tapul, Sulu.

Ayon sa datos ng Comelec, tinalo ni Zubiri si Pimentel sa pamamagitan ng mahigit 19,.000 boto na nagmula umano sa pinag­talunang resulta ng hala­lan sa Maguindanao.          

Sa panig naman ni Zu­biri, iginiit nito na, bilang isang abogado marapat lamang na hintayin ni Pi­mentel ang proseso hang­gang sa matapos ito at bago gumawa ng pinal na kon­klusyon. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

MAGUINDANAO

MIGUEL ZUBIRI

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SHARIFF KABUNSUAN

SHY

SULTAN KUDARAT

SULTAN NAGA DIMAPORO

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with