^

Bansa

Life sa ex-mayor, driver na nagsakay ng 500 kilo ng shabu sa ambulansiya

-

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang hatol na habambuhay na pag­kabilanggo sa dating al­kalde ng lalawigan ng Quezon at driver nito dahil sa pagsasakay sa ambulansya ng mahigit sa 500 kilo ng shabu noong taong 2001.

Sa 23-pahinang de­sisyon ng CA 14th division, binalewala ng Que­zon City Regional Trial Court (RTC) ang petition ng driver nito na si Javier Morilla na baliktarin ang naunang desisyon ng mababang hukuman la­ban kay Panukulan Ma­yor Ronnie Mitra.

Sa record ng korte, si Mitra ay nagmamaneho ng kanyang van na nag­lalaman ng anim na sako ng shabu samantalang si Morilla ay minamaneho naman ang ambulansya lulan ang may 10 sako ng nasabing droga na uma­abot sa 503 kilo ng ma­sabat ng anti-narcotics operatives sa Brgy Kilo­loran, bayan ng Real noong Oktubre 31, 2001 habang patungong May­nila.

Sa apeal ni Morilla, inakala lamang umano nito na may karga siyang wooden tiles at nalaman lamang niya na shabu pala ito nang masabat na sila ng mga otoridad.

Sinabi naman ng korte na mahirap paniwalaan si Morilla na wala itong alam sa tunay na laman ng sako kaya hindi balidong depensa ang kanyang pagiging ignorante dahil malaking pagkakaiba ang hugis at laki ng wooden tile mula sa isang crystalline substance. (Gemma Amargo-Garcia)

BRGY KILO

CITY REGIONAL TRIAL COURT

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

JAVIER MORILLA

KINATIGAN

MORILLA

PANUKULAN MA

RONNIE MITRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with