^

Bansa

Dumlao sinundo na ng NBI officials

-

MANILA, Philippines - Tumulak na kagabi pa­tungong Los Angeles ang ilang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) para sunduin si dating police Senior Superintendent Glenn Dumlao na akusado sa Dacer-Corbito double murder case.

Kinumpirma kahapon ni NBI Director Atty. Nestor Mantaring na wala na uma­nong legal na balakid para pauwiin sa Pilipinas si Dum­lao.

Sina Atty. Claro de Cas­tro Jr., hepe ng NBI-Interpol Division, at Head Agent Arnel Dalumpines, hepe ng Special Task Force (STF) ang naka-schedule sa pag­sakay sa PAL flight, alas-10 ng gabi.

Ang mga US Marshals ang nakatakdang mag-turn over kay Dumlao sa NBI team sa Los Angeles airport, ilang oras bago ang takdang pag-extradite sa kanya pabalik ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Ricar­do Blancaflor na inaasa­hang sa araw ng Linggo, alas-5 ng umaga lalapag ang sa­sakyang eroplano ni Dum­lao sa NAIA.

May tatlong affidavit si Dumlao na pinirmahan noong Hunyo 12, 2001, Mayo 20, 2003 at March 2, 2007.

Sa unang affidavit iti­nuro ni Dumlao si dating PNP chief at ngayon ay Sen. Panfilo Lacson na siyang utak sa pagpatay, sa ikalawa, sinabi nito na ti­norture lang siya upang isangkot ang Senador sa kaso at ang panghuli ay pag-affirm nito sa nauna niyang affidavit. (Ludy Bermudo/Gemma Amargo-Garcia)

DIRECTOR ATTY

DUMLAO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HEAD AGENT ARNEL DALUMPINES

INTERPOL DIVISION

JUSTICE UNDERSECRETARY RICAR

LOS ANGELES

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with