5,000 trabaho naghihintay sa mga taga-Caloocan
MANILA, Philippines - Ibinalita ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na may 5,000 trabaho sa abroad at dito sa bansa ang naghihintay sa mga residente sa gaganaping 27th Recom Mega Job Fair sa Martes, Hulyo 21 sa City Hall Plaza Rizal sa kahabaan ng A. Mabini street.
Pangungunahan ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) at Public Employment Services Office, ang malakihang job fair na siguradong maghahatid ng disenteng hanapbuhay sa mga residente.
“Dapat lamang na maagang magpa-rehistro sa LIRO at PESO dahil katulad ng mga naunang job fair, ito ay first come, first serve basis na tatakbo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon,” ayon kay Echiverri.
Kabilang sa mga magpa-participate ang mga kumpanyang Puregold, SM, Rustan’s, Robinson’s, Union Motors, Marks and Spencer, JBC, NCO, KSK at Andoks.
- Latest
- Trending