Pumatay sa Pinoy couple sa US, huli na

MANILA, Philippines - Naaresto na ng Rockford Police ang isang African-American na sinasa­bing pumatay sa mag-asa­wang Pinoy nang pasukin at pagnakawan ang mga ito sa loob ng kanilang tahanan sa Illinois, USA noong Miyerkules.

Kinilala ng Rockford Police ang suspek na si Omarrian T. Jones, 24, ng 2029 23rd Avenue, Rockford, Illinois.

Si Jones ay naaresto ng mga sumalakay na 24 pulis at K-9 units sa pinag­tataguan nito sa 2029 23rd Avenue, Rockford.

Sinampahan na rin ng ka­ song two counts of first degree murder si Jones da­hil sa pagpatay sa mag-asa­wang Reynato Cardi­no, 77 at Leticia, 74 bunga ng pa­ma­malo at pambu­bugbog.

Nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang anak ng mag-asawang Cardino na si Reyle,51, na bumisita lamang sa kan­yang magulang at natukla­san ang krimen, matapos na siya ay bugbugin ng na­sabing sus­pek. (Ellen Fernando)

Show comments