MANILA, Philippines – Sinalakay ng Presidential Anti-Smuggling Group ang dalawang bodega ng smuggled goods na nagkakahalaga ng P100 milyon na pagmamay-ari ng isang director ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce.
Ang pagsalakay ay ginawa sa bisa ng warrant, seizure and detention order na ipinalabas ng Customs collector ng Port of Manila matapos na tumanggi si Johnny Co Ban Kiat na inspeksiyunin ng PASG ang mga imported goods na umano’y misdeclared at undervalue.
Naglalaman umano ng mga mamahaling hardware items ang bodega na matatagpuan sa 555 Quirino Ave., Parañaque City at sa #493-495 Quintin Paredes, Manila.
Malaki na rin umano ang nalulugi sa gobyerno dahil hindi nagbabayad ng tamang buwis si Kiat. Ipinagmamalaki di umano nito na may koneksiyon ito sa matataas na opisyal ng gobyerno at FCCC. (Mer Layson)