PMA Class war gawa ng Bayan Muna?
MANILA, Philippines – Pakana umano ng maka-Kaliwang party-list na Bayan Muna ang pagkalat ng mga ulat na nagkakairingan ang mga miyembro ng Class 77 at Class 78 ng Philippine Mi-litary Academy.
Ito ang sinabi kaha- pon ng ilang intelligence officers ng militar na nagsabing pinagmumukha ng Bayan Muna na may mga iringan sa mga sundalo para lumikha ng gulo sa hanay ng militar at pulis- ya.
Kapag anila nahati ang Armed Forces of the Philippines, papasok ang kilusang maka-Kaliwa at magtatayo ng sarili nilang gobyerno.
Naberipika ng mga intelligence agent ng AFP na ang Bayan Muna ang siyang nagpapakalat ng mga tsismis para masulsulan ang mga dismayadong miyembro ng militar. Collateral damage lang anila ang Philippine National Police.
Bukod dito, binubuntutan na ng militar ang Bayan Muna, Bagong Al yansang Makabayan at iba pang leftist organization makaraang mabun yag ang tinatawag na August Moon na nagla layong palitan ang liderato ng AFP. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending