^

Bansa

Cory 'di na kayang mag-chemo

-

MANILA, Philippines – Medical procedures na lang ang nagpa­pa­lawig ngayon sa buhay ni dating pangulong Co­razon Aquino na duma­ranas ng sakit na colon cancer.

Ito ang nabatid kaha­pon sa television host at aktres na si Kris na nag­sabi pa na hindi na kaya ng katawan ng kanyang ina ang procedures ng chemotherapy.

Nilinaw din ni Kris na hindi kailanman nakitaan ng panghihina ng kalo­oban ang kanyang ina at hindi rin ito ang umayaw sa chemotherapy kundi hindi na kaya ng kata­wan ng dating Pangulo.

Sinabi pa ni Kris na, bagama’t batid ng kani­ lang pamilya na talagang wala pang permanenteng lunas sa pinagdadaanan karamdaman ng kanilang ina, simula’t sapol ay wala pa rin silang tigil sa pag-hikayat sa dating Pangulo na subukan ang lahat ng paraang medical para labanan ang kanser.

Kabilang sa mga pi­nagdaanang proseso ng dating Pangulo ang colon surgery, selective internal radiation therapy procedures, at ilang be­ses na chemotherapy na ngayon ay hindi na kayang tang­gapin ng katawan nito.

Binanggit pa ni Kris na noong nakaraang buwan ay hinintuan na ang chemotherapy sessions sa dating Pangulo dahil mas­yado nang mahina ang pangangatawan nito.

Sinabi pa ni Kris na sa ngayon ay iniibsan na lamang ang sakit na nararamdaman sa ka­tawan o pagdurusang pisikal ng kanilang ina at pinapalawig na lamang sa ngayon ng ilang pro­sesong medical ang bu­hay nito. (Rose Tesoro)


AQUINO

BINANGGIT

DATING

KABILANG

NILINAW

PANGULO

ROSE TESORO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with