Iskolar ni Cayetano umangal
MANILA, Philippines – Nagrereklamo ang mga scholars ni Rep. Laarni “Lani” Cayetano ng unang distrito ng Taguig-Pateros dahil sa umano’y pagpapabaya sa kanila ng mambabatas dahil kailangan nilang maghintay ng halos anim na buwan upang makuha nila ang kanilang tulong pinansiyal.
Nagpakita sa mga paaralan sa kanyang nasasakupan si Cayetano sa graduation ceremonies ng mga paaralan noong Marso at inihayag ang 10 scholars bawat paaralan subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakakatanggap kahit isang sentimos ang mga napangakuan.
Nakapagpatala o enrol na ang mga estudyante subalit naghihintay pa rin sila sa pangakong cash scholarship.
- Latest
- Trending