MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagbagsak ng bilang ng dumarating na dayuhan sa bansa dahil sa patuloy na krisis pampinansiyal na nararanasan ng mundo, nagawa pa rin ng Bureau of Immigration (BI) na malampasan ang target income nito sa first half ng 2009 nang kumita ito ng mahigit isang bilyong piso.
Ipinabatid ni BI Commissioner Marcelino Libanan na mula noong Enero hanggang Hunyo ngayong taon, kumita ang BI ng kabuuang P1.45 billion, mas mataas ng 11 porsiyento sa target income na P936 million sa unang semester at mataas ng P17 milyon sa kinita noong 2008.
Ang pinakamataas na kinita ng BI ay noong holiday season, partikular noong Enero kung kailan nakakalap ang ahensiya ng mahigit P216 milyon, malayo sa target na P193 milyon para sa nasabing buwan.
Batay sa statistics, 1,220,494 foreigners ang dumating sa bansa mula Enero hanggang Mayo 2009, kumpara sa 1,307,611 na dumating sa katulad na panahon noong 2008.
Samantala, sinabi ni Libanan na hindi na pugad ng mga nagtatago sa batas ang Pilipinas nang ipatapon ng ahensiya ang kabuuang 32 dayuhang pugante mula Hunyo noong nakaraang taon bilang resulta ng pi natinding kampanya laban sa mga criminal na ginagawang kanlungan ang bansa. (Butch Quejada)