^

Bansa

Target income nalampasan ng BI

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagbag­sak ng bilang ng dumara­ting na dayuhan sa bansa dahil sa patuloy na krisis pampi­nansiyal na narara­nasan ng mundo, nagawa pa rin ng Bureau of Immigration (BI) na malampa­san ang target income nito sa first half ng 2009 nang kumita ito ng ma­higit isang bilyong piso.

Ipinabatid ni BI Commissioner Marcelino Liba­nan na mula noong Enero hang­gang Hunyo nga­yong taon, kumita ang BI ng kabuuang P1.45 billion, mas ma­taas ng 11 porsi­yento sa target income na P936 million sa unang semester at ma­taas ng P17 milyon sa kinita noong 2008.

Ang pinakamataas na kinita ng BI ay noong holiday season, partikular noong Enero kung kailan nakakalap ang ahensiya ng mahigit P216 milyon, malayo sa target na P193 milyon para sa nasabing buwan.

Batay sa statistics, 1,220,494 foreigners ang dumating sa bansa mula Enero hang­gang Mayo 2009, kumpara sa 1,307,611 na dumating sa katulad na panahon noong 2008.

Samantala, sinabi ni Libanan na hindi na pugad ng mga nagtatago sa batas ang Pilipinas nang ipatapon ng ahensiya ang kabuuang 32 dayuhang pugante mula Hunyo noong nakaraang taon bilang resulta ng pi­ natinding kampanya laban sa mga criminal na gina­gawang kanlungan ang bansa. (Butch Quejada)

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

ENERO

HUNYO

IPINABATID

LIBANAN

NOONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with