^

Bansa

Pagbenta ng housing mortgage idinepensa ni Noli

-

MANILA, Philippines - Bahagi lamang umano nang isinasagaw ang “clean-up” o paglilinis sa sektor ng pabahay ang gi­nawang pagbebenta ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa mga mortgage nito sa Deutsche Bank Real Estate Global Opportunities.

Ayon kay Vice President Noli “Kabayan” de Castro, na siya ring chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ang pagbebenta sa mortgages ay unang hakbang ng NHMFC upang “maka­bangon” at lubos na ma­gampanan ang mandato sa pag-develop ng secondary mortgage market at pagsusulong na mapa­unlad ang pinagkukunan ng pondo para sa housing sector.

Ipinaliwanag ng Bise Presidente na maraming borrowers ang hindi regular na nagbaba­yad ng kanilang loan mula sa NHMFC, sa ilalim ng Unified Home Lending Program (UHLP), isang financing program na ipina­tupad ng pamahalaan.

Bunsod nito, ang P42 bilyong hiram ng NHMFC ay lumobo na sa mahigit P80 bilyon kasama na ang principal, interest at penalties, dahil hindi rin ito nakakapagbayad para sa mga delingkwenteng ma­ngungutang.

Aniya, ang NHMFC ay walang condonation ng penalties at interest kaya’t ang naturang lumobong utang ay kinakailangan nitong bayaran ng buo sa SSS, GSIS at Pag-Ibig, sa lalong madaling panahon, sanhi upang isagawa nila ang naturang bentahan. (Mer Layson)

ANIYA

AYON

BISE PRESIDENTE

DEUTSCHE BANK REAL ESTATE GLOBAL OPPORTUNITIES

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MER LAYSON

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORPORATION

SHY

UNIFIED HOME LENDING PROGRAM

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with