AH1N1 ordinaryong lagnat na lang
MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Department of Health (DOH) ang inilabas na advisory ng World Health Organization (WHO) na ituturing na lamang pangkaraniwang lagnat ang AH1N1 influenza virus.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, nangangahulugan lamang ito na hindi na kailangang mag-update sa AH1N1 confirmed cases.
Hindi na rin umano required ang lahat ng bansa na mag-report sa WHO hinggil sa estado ng kanilang mga mamamayan na tinamaan ng virus o kung ilan na ang mga nabiktima nito.
Binigyan-diin ni Duque na bibigyan na lang ng gamot na Tamiflu ang may komplikasyon o ibang malubhang karamdaman.
Bunsod nito, maiiwasan na rin ang pagka-alarma ng publiko sa isyu ng AH1N1. (Doris Franche)
- Latest
- Trending