Utak ni Jacko kinuha

LOS ANGELES - Pan­samantalang kinuha ang utak ni Michael Jackson at itinago para sa pagpa­patuloy ng imbes­tigasyon sa tunay na sanhi ng kan­yang pag­kamatay.

Dahil dito, wala ang utak sa bangkay ni Jackson nang dalhin ito sa Staple Center sa Los Angeles, California nitong Martes para sa ginanap na memorial service para sa pop star.

Sa inilabas na death certificate ni Jackson, wa­lang nakatala kung ano ang kanyang ikina­matay ba­gaman na­ unang napaulat na ina­take siya sa puso.

Sinabi ni Assistant Chief Coroner na si Ed Winter na tinitignan pa ng mga im­bes­ti­gador ang utak ni Jackson.

Ayon kay Winter, ang buong utak ni Jackson o ilang bahagi nito ay ha­wak ng mga imbesti­ga­dor.

Ibabalik anya ang utak sa pamilya ng singer para sa libing nito kapag nakum­ pleto na ang neuropathology tests dito.

“Kapag natapos na kami, ibabalik namin ang utak,” sabi ni Winter. “Mara­ming klaseng pagsusuri kasi ang kailangang ga­win.”

Karaniwan na umano na kinukuha ang utak ng isang bangkay.

Kung minsan, ayon kay Winter, inaantala ng isang pamilya ang libing ng yu­mao nilang mahal sa buhay hang­ gang sa maibalik ang utak. 

Pero sinabi ni Winter na wala siyang natatang­gap na impormasyon sa inten­ syon ng pamilya ni Jackson.

“Ang huli kong balita, hin­ di pa nila ililibing ang bangkay,” sabi pa ng coroner. (AP)

Show comments