^

Bansa

Stock Exchange visit kinansela

-

MANILA, Philippines - Kinansela kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naitakdang pagbisita niya sa Philippine Stock Exchange para sana sa paglagda sa isang batas na nagtatanggal ng documentary stamp tax sa sale, barteer or exchange of listed shares.

Ito sana ang unang aktibidad ng Pangulo makaraang ikuwarantina niya nang ilang araw ang kanyang sarili kasu­ nod ng naging biyahe niya sa ibang bansa kamakailan.

Pero walang maibigay na paliwanag ang Malakanyang sa kanselasyon ng naturang aktibidad. Samantala, sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde na tuloy sa susunod na linggo ang pagtungo ng Pangulo sa Egypt para dumalo sa 15th Non-Aligned Movement Summit at talakayin ang naunang mga kasunduan ng natu­rang bansa at ng Pilipinas.

Nilinaw pa ng opisyal na, kung sakaling mayroong sasa­ mang kongresista ay sarili nitong desisyon ito at sarili nilang gastos kung sasama sila sa biyahe ng Pangulo. (Rudy Andal)

KINANSELA

MALAKANYANG

NILINAW

NON-ALIGNED MOVEMENT SUMMIT

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with