'Dance Commander' nag-upload ng Katrina-Hayden sex video
MANILA, Philippines - Dance Commander ang alyas na ginamit ng taong nag-upload at nagpakalat sa internet ng kontrobersyal na sex video ng cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho at ng aktres na si Katrina Halili.
Ito ang lumilitaw sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng NBI sa reklamo ni Halili laban kay Kho at iba pang personalidad.
Kasabay nito, ipinagharap kahapon ng kasong immoral doctrines, obscene publications, exhibitions at indecent shows ng NBI ang magkapatid na maintainer ng website na inisyal na nag-upload ng mga sex videos ni Kho sa iba’t-bang babae.
Ayon kay Head Agent Palmer Mallari, executive officer ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division, sina Jobert Lazarte at kapatid nitong si Marvin ay sinampahan ng kaso sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code.
Kasabay nito, sinabi din ni Mallari na natukoy na nila ang uploader ng nagpadala sa kontrobersyal na sex videos ngunit hindi pa nila kilala ang tunay na pagkatao nito.
Ang uploader umano ay gumamit ng user name na “dance commander” sa “Careless Whisper” video sa pamamagitan ng fleshasiadaily.com noong May 8, 2009 dakong alas-4:20 ng hapon.
Ang nasabing user name ay sinasabing nag-upload din ng video ng Beautiful Girl noong May 15, 2009 dakong alas-9:00 ng gabi at ang controversial na sex video nina Katrina Halili at Kho Jr. ay dakong ala-1:20 ng umaga ng May 18 at ang sex video ni Maricar Reyes at Kho Jr., ay dakong alas-11:40 ng umaga noong May 18, 2009 at ang sex video ng Brazilian model at ni Kho Jr., ay alas-11:40 ng umaga noong May 18, 2009.
Samantala, ang “sala” version ng sex video nina Kho Jr., at Maricar Reyes ay inap-load ng “thegreatest” dakong alas-5:44 ng hapon noong June 10, 2009.
Napag-alaman pa kay Mallari na ang pag-kakakilanlan kay Dance commander at “thegreatest” sa pamamagitan ng email patungo sa fleshasiadaily. com ang siyang pinagtutuunan ng pansin ng NBI sa kasalukuyan. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending





















