^

Bansa

Mano-manong bilangan ok lang

-

MANILA, Philippines - Naniniwala si Joey de Ve­necia III na maaari pa rin na­mang asa­han na magiging tapat at malinis ang magi­ging resulta ng halalan kahit ma­ging mano-mano pa ang pa­raan ng bilangan. 

Ani Joey, hangga’t may na­titira pang tiwala ang pub­liko sa inte­gridad ng Comelec, hindi na aniya kailangan pang ma­ ngamba ng mama­mayan sa magi­ging resulta nito.

Kailangan lamang an­yang maging alerto ang publiko sa posibleng ma­la­wakang dayaan tulad na lamang ng naganap noong 2004, kung saan hanggang sa kasa­lu­ku­yan ay mara­ming tao pa rin ang nanini­wala na ang tunay na nag­wagi sa ha­lalang pampa­nguluhan ay ang yumaong si Fer­nan­do Poe, Jr., at hindi si Gloria Arroyo. Patu­nay pa aniya ang paglabas ng ‘Hello Garci’ tapes na nagpapa­tibay lamang na may naga­nap na dayaan nang pana­hong iyon.

Sinabi pa ni Joey na ang pagkansela ng dala­wang kum­­panya sa na­pag­kasunduang partnership ay hindi nanga­nga­hulugang kailangang isan­tabi ang halalan sa su­sunod na taon. Kailangan aniyang ma­tuloy pa rin ang elek­syon, anuman ang mang­yari. (Butch Quejada)

ANI JOEY

BUTCH QUEJADA

COMELEC

GLORIA ARROYO

HELLO GARCI

KAILANGAN

NANINIWALA

SHY

SINABI

VE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with