9 na lugar election 'hotspots'

MANILA, Philippines - Mula sa pito ay nasa siyam na lugar na ang ire­ rekomenda ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa kontrol ng Comelec bilang mga “hot­spots” dahil sa matinding banggaan ng mga magka­kalabang pulitiko dito, pre­sensya ng mga arma­dong grupo at dating re­kord ng karahasan sa pu­litika.

Kabilang dito ang Mas­bate, Nueva Ecija, Abra, Maguindanao, Sulu, Basi­lan, Samar, Lanao Sur at Lanao del Norte.

Dahil dito, inutos na ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang review at pag-validate sa listahan ng mga lugar na maaaring mapasama sa Election Areas of Concern (EAC) o “hotspots” upang maka­pag­handa ang PNP sa pag­papatupad ng se­guri­dad para maiwasan ang mga pagdanak ng dugo.

Patuloy naman ang pag­­tutok ng PNP sa pag­kumpiska sa mga loose firearms upang maiwasan ang pagdanak ng dugo partikular na sa mga lugar na idedeklarang hotspots. (Joy Cantos)

Show comments