Kaso ng dinukot na Fil-Am activist haharapin ng government
MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Press Secretary Cerge Remonde na nakahanda ang pamahalaan at maging ang Armed Forces of the Philippins na harapin ang imbestigasyon sa kaso ng Filipino-American activist na si Melissa Roxas na dinukot at pinahirapan umano ng mga sundalo sa La Paz, Tarlac noong Mayo.
“Nakahanda ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang. Umaasa lang kami na hindi ito gagamitin sa propaganda,” sabi pa ni Remonde.
Si Roxas na isang opisyal ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan na nakabase sa Amerika ay dinukot umano ng militar habang nagsasagawa ng medical mission ang kanyang grupo sa La Paz.
Samantala, binalaan ng Court of Appeals si Roxas na ibibimbin na lang ang kanyang petition for writ of amparo kapag nabigo siyang humarap sa pagdinig ng korte sa Hulyo 24. (Rudy Andal at Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending