^

Bansa

Tulong sa Manilenyo, tiniyak ni Moreno

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Francisco Moreno na makakarating sa bawat ordinaryo at maliliit na Manilenyo ang bawat tulong na kanilang ibibigay kasabay ng paglulunsad ng organisasyong Asenso Manileño na naglalayong mabigay ang serbisyo at mga panganga­ilangan ng mga residente ng Maynila.

Ang nasabing paglu­lun­sad ay dinaluhan nina dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna bilang Chairman ng Asenso Ma­nileño Movement, 5th District Congressman Amado Bagatsing bilang vice chairman at dating five-term 3rd District Coun­cilor Bernardito Ang bilang chairpersons, habang si Moreno ang itinalaga bi­lang kauna-unahang pa­ngulo nito.

Ayon kay Moreno, layunin ng organisasyon na ma­bigay ng mabilis at maayos ang mga ser­bisyong kaila­ngan ng mga Manilenyo na maka­ka­ahon din ng kanilang pamumuhay.

Giniit ni Moreno na mas dapat na bigyan ng pansin ang   edukasyon at kalusu­gan dahil ito ang puhunan ng bawat  isa upang ma­kuha ang tunay na ta­gumpay at kaginhawaan sa buhay.

Muli nitong binigyan-diin na ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay kung ang lahat ay magtutu­lungan. (Doris Franche)

ASENSO MA

ASENSO MANILE

BERNARDITO ANG

DISTRICT CONGRESSMAN AMADO BAGATSING

DISTRICT COUN

DORIS FRANCHE

MANILA VICE MAYOR DANILO LACUNA

MANILA VICE MAYOR FRANCISCO MORENO

MORENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with