MANILA, Philippines – Tinutulan ni dating Police Senior Superintendent Cezar Mancao na mailipat siya sa Manila City Jail mula sa kinalalagyan niyang silid sa National Bureau of Investigation.
Ginawa ni Mancao ang pagtutol sa isinumite niyang motion sa Manila Regional Trial Court bilang tugon sa kahilingang isama siya sa selda sa MCJ ng mga kapwa niya akusado sa pagpaslang sa publicist na si Dacer Corbito at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Sinabi ni Mancao na mas nais niyang manatili sa NBI na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice at, bilang isang napipisil na testigo nito sa naturang kaso, ang DOJ ang nakakaalam kung ano ang mas nakakabuti sa kanya.
Nauna ring iginiit ng mga DOJ prosecutor na dapat manatili sa NBI si Mancao dahil hindi ordinaryo ang mga banta sa kanyang buhay. (Doris Franche/Ludy Bermudo)