^

Bansa

NBI agent umalma sa kidnap case

-

MANILA, Philippines - Inosente ang National Bureau of Investigation agent na si Junnel P. Malaluan na sinasabing lider ng kidnap-for-ransom group kung saan maging ang kanyang asawa at iba pang kasamahan ay kinasuhan sa piskalya sa Cavite. 

Ito ay sinisiguro ng abogado ni Malaluan na si Atty. Toto Causing ng Renta Pe and Associates, kung saan nag­ sa­bing imposible na ma­gawa ni Malaluan ang krimen sapagkat hindi nito maatim na mangid­nap at dalhin pa sa sari­ling bahay ang kinidnap.

“Walang kidnaper na magdadala ng kan­yang biktima sa sarili niyang bahay at mala­lagay sa panganib ang dalawang anak,” ayon pa sa mga abo­gado ng law firm. 

Maging ang ku­wento ng biktimang ki­nidnap na siya ay hini­ngan ng P.3 milyon ay kasinunga­ lingan dahil isa lang tray­sikel drayber.

Wala namang na­ banggit ang biktima sa isinumiteng sinum­paang salaysay na na­ma­taan niya si Mala­luan sa loob ng kan­yang bahay kung saan sina­sabing binihag ng limang araw. 

Ilegal ang follow-up raid kung saan kinuha ang kasambahay ni Malaluan, best friend na babae ng kanyang misis at ang dalawang anak sapagkat ang 20 oras na lumipas bago gu­­mawa ng pag-aaresto ay ipinagbabawal sa follow­-up arrest o follow-up search.

Imposible rin naka­sama si Malaluan sa kidnapping dahil sa ang scorebook mismo ng basketball tournament ng NBI ang magpapa­tunay na naglalaro siya nang oras na iyon.

“Makakaasa ang lahat na nagpapalamig lamang si Malaluan at siya ay haharap anu­mang oras kung   ipata­wag sa preliminary investigation ng Cavite Provincial Prosecutor’s Office,” pagtiyak ni Causing.

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL PROSECUTOR

ILEGAL

IMPOSIBLE

JUNNEL P

MALALUAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RENTA PE AND ASSOCIATES

SHY

TOTO CAUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with