AFP men binawalang mangampanya
MANILA, Philippines - Binabawalan ng Armed Forces of the Philippines ang mga aktibo nitong opisyal at miyembro na ikampanya ang mga rebeldeng sundalong nasangkot sa mga tangkang kudeta laban sa pamahalaan.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. kasunod ng pahayag ni dating First Scout Ranger Regiment Chief Brig. Gen. Danilo Lim na kakandidato itong senador sa halalan sa susunod na taon.
Kabilang si Lim sa mga rebeldeng sundalong kinasuhan at kinulong makaraang masangkot sa tangkang kudeta noong taong 2006.
Sinabi ni Brawner na parurusahan ang sinumang sundalo na mangangam panya para sa sinumang kandidato. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending