^

Bansa

GMA sa 2010 ordinaryong Pinoy na

-

GUAGUA, Pampanga, Philippines — Ti­niyak kahapon ng Mala­ca­ñang na magiging isang ordinaryong Pilipino si Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa pagtata­pos ng kanyang termino sa 2010.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lo­relei Fajardo na taliwas ito sa pangamba ng ilang sek­tor na balak ng Pangulo na palawigin ang panu­nung­kulan nito kaya isinu­sulong ng mga kaalyado nitong mambabatas ang pagsusu­sog ng Konstitus­yon sa pa­mamagitan ng Constituent Assembly.

Ayon kay Fajardo, wala ring nababanggit ang Pa­ngulo sa anumang plano nito sa pagtatapos ng ter­mino sa 2010 lalo na sa hinala ng oposisyon na kakandidato itong kongre­sista sa ikalawang distrito ng Pampanga kaya mada­las itong magtungo sa kanyang lalawigan.

Sinabi ni Fajardo na, kung may plano man ang Punong Ehekutibo na tu­makbong kongresista, hindi na nito kailangang ligawan ang kanyang mga cabalen.

Madalas anya ang Pa­ngulo sa Pampanga upang maghatid lamang ng ser­bisyo sa taumbayan. (Rudy Andal)

AYON

CONSTITUENT ASSEMBLY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON LO

FAJARDO

PAMPANGA

PANGULONG GLORIA MACA

PUNONG EHEKUTIBO

RUDY ANDAL

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with