^

Bansa

Jordanian ipinatimbog ng Pinay na asawa

-

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang umano’y illegal recruiter na Jordanian national matapos isumbong ng kanyang asawang Pi­li­pina na kanyang inaban­dona.

Sa ulat ni Assistant commissioner for Inte-lligence and Security Al­berto Braganza kay Immigration commissio­ner Nonoy Libanan, kinilala ang suspek na si Faris Al-Kawadri, 29 anyos,    na naaresto sa kuwarto nito sa Great Eastern Hotel sa Makati City.

Maituturing din na isang undesirable alien ang suspek dahil sa pag-abandona niya sa kan­yang Pinay na asa­wa na ngayon ay buntis sa ka­nilang pangala­wang anak.

Mismong ang kan­yang asawa umano ang nagsumbong sa BI ng mga illegal na aktibidad ni Al-Kawadri ma­tapos itong magsampa ng rek­lamo dito dahil sa pag aban­ dona ng suspek at hindi pagbi­bigay ng pi-nan­syal na suporta sa   ka­nilang anak at ngayon sa di­nadala nito simula   ng dumating ito sa bansa   no­ong Abril ng nakara­ang taon.

Narekober mula sa ku­wart­o ng suspek ang pass­ports ng tatlong Pi­lipina mula sa Ma­­­guin­­da­nao, South Co­tabato at Cagayan.

Inamin naman nito na ang mga nasabing passports ay binigay ng isang placement agency mu­la sa Ermita para i-pro­seso at maipadala ang mga Pili­pina sa Saudi Arabia bi­lang mga contract workers. (Gemma Amargo-Gar­cia)


AL-KAWADRI

BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA AMARGO-GAR

GREAT EASTERN HOTEL

MAKATI CITY

NONOY LIBANAN

SECURITY AL

SHY

SOUTH CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with