^

Bansa

Mancao ikinuha ng food taster

-

MANILA, Philippines – Ligtas at mahigpit na seguridad ang ipinatu­tupad ng National Bureau of Investigation kay dating Police Superintendent Cesar Mancao kabilang ang pagtata­laga ng ‘ta­gatikim’ ng pagkain o food taster bago isilbi sa ka­niya upang hindi mala­son.

Sinabi kahapon ni Atty. Reynaldo Esme­ ral­da, deputy director for regional operations services, na bukod sa ‘food taster’ ay may bantay itong sniffing dogs sa paligid ng safe­house.

Bukod pa rito, may master list din para sa mga bisitang papaya­gang maka­da­law kay Mancao at ma­aring pu­mili la­mang ito kung sino ang gusto niyang ma­kapasok sa kaniyang kuwarto ha­bang may nakabantay ding alert team ng NBI. Hindi papayagan maging ma­tataas na opis­yal ng gob­yerno na makausap o mabisita si Mancao kung hindi ka­bilang sa master list.

Hindi rin maaring ka­panayamin si Mancao ng media o sinumang opsiyal at empleyado ng NBI kung walang pahin­tulot.

Ang seguridad ay ka­palit ng kondisyong han­dang tumestigo si Man­cao sa kasong pagpas­lang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito. (Ludy Bermudo)


BUKOD

EMMANUEL COR

LIGTAS

LUDY BERMUDO

MANCAO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

POLICE SUPERINTENDENT CESAR MANCAO

REYNALDO ESME

SALVADOR DACER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with