^

Bansa

Panlaban sa H1N1 virus, online enrollment sa universities ikinakasa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Inoobligahan nang magpa-enroll sa mga pamantasan sa Metro Manila sa pamamagitan ng internet ang mga da­yuhang estudyante bilang bahagi ng pag-iingat la­ban sa influenza AH1N1 flu virus.

Partikular na inoobli­gahan sa online enrollment ang mga dayuhang estudyante na hindi pa dumadaan sa 10 araw na quarantine.

Isang halimbawa rito ang University of the East na nagpayo sa mga es­tudyanteng dayuhan na magpatala sa pamama­gitan ng website ng UE. Sinabihan din ang mga estudyanteng Pilipino na nanggaling sa ibang bansa na magpa-self quarantine muna para makatiyak na malayo sila sa naturang sakit.

Gumastos rin ang uni­bersidad para maglagay ng “thermo scanners” sa mga campus nito upang mamonitor ang tempara­tura ng mga estudyan­teng pumapasok.

Kinansela naman ng University of the Philippines ang tradisyunal na “welcome assembly” ka­hapon. Sinasabing ang UP ang may pinakama­ra­ming dayuhang estud­yante.

Mamahagi rin naman ang Polytechnic University of the Philippines ng mga “campaign materials” kontra A/H1N1 flu at nakaalerto ang medical staff nito sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Sa Ateneo de Manila University, sinabihan din ang mga dayuhan at lokal na estudyanteng nag­buhat sa ibang bansa na magpakuwarantina muna.

GUMASTOS

INOOBLIGAHAN

MANILA UNIVERSITY

METRO MANILA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SA ATENEO

SHY

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with