^

Bansa

Transport strike ibinabala

-

MANILA, Philippines – Nagbanta ng mala­wakan at malakihang transport strike ang mili­tanteng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide dahil sa panibagong pag­taas ng halaga ng gaso­lina at diesel.  

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, ang gaga­wing pagkilos ay layuning maipadama sa pamaha­laan ang kanilang matin­ding pagkondena sa pag­taas ng presyo ng gaso­lina na umaabot sa P1.50 kada litro.  

Hindi anila maka­twiran ang hakbang na ito lalupat hindi pa nakaka­bangon ang maliliit na driver sa epekto ng ka­hirapan dulot ng global cri­sis    

Kaugnay nito, giniit naman ni Efren de Luna, pangulo ng Allianced of Transport Organization na ibalik agad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dating minimum fare na P7.50 mula sa kasa­lukuyang P7.00 sa bawat unang apat na kilometro.   

Idiniin ni De Luna na pipilitin nilang kumbin­sihin ang LTFRB na ibi­gay ang P.50 sentimos na dagdag sa pamasahe sa lalong madaling pa­nahon.   

Kaugnay nito humingi naman ng pang-unawa si De Luna sa publiko lalo na yung mga sumasakay ng jeeps na unawain sila sa mga pangyayari dahil na rin sa wala silang magagawa kundi itaas ang pamasahe. (Angie dela Cruz)


ALLIANCED OF TRANSPORT ORGANIZATION

ANGIE

DE LUNA

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with