PNP at AFP men sa Charter Change rally sibak

MANILA, Philippines – Tatanggalin sa tung­kulin ang mga aktibong opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police na lalahok sa rally laban sa Charter Change o Cha-Cha na inaasahang ilulunsad bu­kas.

Ito ang mahigpit na babala kahapon nina PNP Spokesman Senior Superintendent Leonardo Espina at AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr.

Ayon kay Espina, si­numang pulis na mamo­nitor at mapatunayang lumahok sa kilos protesta ay kakastiguhin at tatang­galin sa serbisyo.

Sinabi naman ni Braw­ner na, bagaman kumpi­yansa ang AFP na walang sundalo na lalahok sa kilos-protesta, bawal sa mga aktibong miyembro ng militar ang pagsama sa mga demonstrasyon.

Pinabulaanan din ni Brawner ang napaulat na planong “Save the Queen” laban sa pamahalaan. (Joy Cantos)

Show comments