P2 milyong ukay-ukay nasamsam

MANILA, Philippines - Tinatayang P2 milyong halaga ng ukay-ukay ang nasamsam ng mga tauhan ng President Anti-Smuggling Group sa isang apartment na ginawang bodega sa Fairview, Quezon City.

Ayon kay PASG Chief Antonio Villar Jr., ang sina­lakay ng kanyang mga tauhan ay ang unit 47-C Re­galado St. sa West Fairview na inuukupahan ni Imelda Calabrea.

Nakakuha ng impormasyon ang PASG na may­roong mga imported na ukay-ukay clothing ang itinatago sa nasabing apartment.

Nabigong magpakita naman ng mga kaukulang dokumento si Calabrea.

Pinuna ni Villar na mahigpit nang ipinagbabawal ang importasyon nito subalit nakakalusot pa rin dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang Customs personnel. (Rudy Andal)

Show comments