Taiwanese na tumutunaw ng mga barya kinasuhan

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kaso ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang isang Taiwanese businessman at kanyang mga director sa kumpanya dahil sa pagtunaw sa “barya” upang kunin ang bronze sa Ca­ loocan City.

Kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 247 sa Caloocan City Prose­cu­tor’s Office sina Ming Tsun Liang, pangulo at chairman ng Ming Tsun Liang Manufacturing Corp.; ang mga board of directors na sina Jui Chung Liang, Evange­line Aquino, Redilyn Don, Elenita Villaluz at ang secretary nitong si Carol Lim.

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., sinalakay ng kan­yang mga tauhan ang na­sa­bing planta sa Sityo Git­na kung saan ay natuk­la­sang tinu­tu­­naw ng mga ito ang bar­yang 25 sentimos para kunin ang sangkap nitong bronze.

Ayon kay Villar, taha­sang paglabag sa PD 247 o ang pagbabawal na si­rain, sunugin ang anu­mang Bangko Sentral ng Pilipinas bank notes at coins.

Natuklasan mismo ni PASG director for operations Asec. Danilo Mangila ang sako-sako ng mga barya na sinunog upang kunin ang sangkap nitong “bronze” na ginagamit na­man ng kumpanya ng intsik sa kanilang plumbing accessories manufacturing.

May hinala ang PASG na posibleng magkaroon ng shortage sa mga barya matapos nilang makum­piska ang may P30 milyong halaga ng local coins na nakatakda sanang dalhin sa South Korea ng isang sindikato para kunin naman ang sangkap na copper at nickel nito para gamitin sa pagbuo ng electronic spare parts. (Rudy Andal)


Show comments