Pinoy kasama sa bumagsak na Air France plane

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pinoy ang nakasama sa bumagsak na Air France Airbus A330 sa Atlantic Ocean noong Linggo ng gabi bunsod ng malakas na ulan na may kasamang malalakas na kulog at kidlat.

Kinilala ni DFA Spokesperson Ed Malaya ang pagkakaki­lan­lan ng natu­rang biyahe­rong Pinoy na si Arden Jugueta na uma­no’y kabilang sa 228 sakay ng Air France Flight 447.

Ang naturang erop­lano ay mula sa Rio de Janeiro, Brazil patungong Paris, France ng ma­kasagupa nito ang malakas na ulan at kidlat.

Mayroong 216 pasa­hero at 12 crew ang Air France kung saan Mayo 31 ng gabi ng iulat na ito ay nawawala ng hindi ito dumating sa Paris.

Pinakahuling monitor sa eroplano ay nang mag­padala ng ‘automatic signal’ ang piloto na senya­les na dumadanas sila ng matin­ding ‘electrical problem’ ha­bang sumasabak sa mala­kas na turbulence sa ere hanggang sa ma­bi­lis na bumulusok at bu­mag­sak sa Atlantic Ocean.

Sa ulat, kung pawang mga patay ang pasahero ng Air France Airbus ay ma­ ituturing na ito ang “deadliest commercial airline disaster” simula noong Nob­yembre 12, 2001, kung saan isang American Airlines jetliner ang bumagsak sa New York City borough of Queens na pumatay ng may 265 katao. (Ellen Fernando/ Mer Layson)


Show comments