MANILA, Philippines – Nakapuntos muli ang Run After The Smugglers sa kampanya nito laban sa illegal smuggling makaraang makakuha ng paborableng resolusyon mula sa korte ang kasong isinampa nito laban sa anim na indibidwal na lumabag umano sa Tariff and Customs Code of the Philippines.
Sa apat na pahinang resolusyon na inaprubahan ni Senior Assistant Chief State Prosecutor Severino H. Gana, inirekomenda ang pagsampa ng naturang kaso laban kina Rommel Farinas, Rolly Noqueras, Gessele F. Galletas, Rezalde A. De Rosario, Diosdado E. Sta Cruz, at Agapito W. Mendez Jr., isang Customs Broker.
Ang pagsasampa ng kaso ay kaugnay ng illegal na pag-divert umano ng isang 40-footer container van na naglalaman ng 573 rolyo ng tela na consigned sa New River Apparel Inc. (Angie dela Cruz)