Paglabag ni Villar idinetalye sa Senado

MANILA, Philippines – Nagsimula na kaha­pon ang ‘adjudicatory hearing’ laban kay Senator Manny Villar kaugnay sa pagkaka-divert ng multi-bilyong right of way sa C-5 road project na ka­­hit hindi dumalo sa pagdinig ang una ay inisa-isa ni Senator Ana Consuelo Madrigal ang mga paglabag na umabot sa 18 insidente.

Isa-isang idinetalye ni Madrigal na si Atty. Er­nesto Francisco ang mga paglabag ni Villar ka­ sama na ang pagiging promotor sa alignment ng C-5 road extension o Manila-Ca­vite Toll Express Project.

Ginamit umano ni Villar ang kaniyang po­sisyon at kapangyarihan para mailihis o mabago ang disenyo at plano ng proyekto.

Si Villar umano ka­sa­ma ang kanyang asa­wang si Las Pinas Rep. Cynthia Villar ang nagsu­long para magawa ang isang kal­sada na dadaan sa mga lupain ng dala­wang kor­porasyon ng mga ito par­tikular ang 35 ektarya sa Golden Haven Memorial Park Inc. at 50-ektarya sa Adelfa Properties Inc.

Ayon pa sa reklamo, sa nasabing P710,970,000 alokasyon ng Kongreso sa Las Piñas-Parañaque Link road, kumita umano ang mag-asawang Villar ng nasa P136,774,077.40 bilang bayad ng gobyerno sa mga pag-aaring sub­dibisyon na dinanaan ng kalsada o proyekto.

Noong 2008, isiningit umano ni Villar ang ha­lagang P200 milyon sa pambansang badyet para pon­dohan ang C-5 road pro­ject kung saan makiki­nabang ang dala­wang korporasyon na pag-aari ng senador.

Ibinenta umano ni Villar ang pag-aaring lu­paing nasagasaan ng right of way sa C-5 road pro­ject ng 33 patong ang presyo.

At dahil umano sa paggawa ng bagong C-5 road extension project na dadaanan sa kalsada na ipinagawa ni Villar at sa mga lupaing pag-aari ng kaniyang korporasyon, nasayang at nabalewala ang P1.8 bilyong naiba­yad ng gobyerno sa ori­hinal na plano ng kal­sada.

Katulad ng inaasa­han, pinabulaanang la­ hat ni Villar ang mga aku­sasyon sa kanya sa pa­mama­gitan ng isang press release dahil hindi ito hu­marap sa hearing sa Se­nado. (Malou Escudero)


Show comments