Mister tamad din sa sex: Kasal ni misis sa mama's boy ibinasura

MANILA, Philippines - Pinawalambisa ng Korte Suprema ang kasal ng isang misis sa kan­yang mister na uma­asa lang sa sus­tento ng ina nito.

Pinalitaw lang ni mister na nag-oopisina siya pero natuklasang galing din sa kanyang ina ang tinatanggap niyang “su­ weldo” para itago ang kanyang kata­maran.

Bukod dito, tamad din si mister na maki­pagtalik kay misis.

Kaugnay nito, kina­tigan ng Mataas na Hu­kuman ang naunang desisyon ng Court of Appeals na ipawalam­bisa ang kasal ni Ma­rieta C. Azcueta kay Rodolfo Azcueta.

Nakita sa inihaing petition for review ni Marieta na may sapat na dahilan para idek­larang void ang kasal niya kay Rodolfo.

Sa rekord ng kaso, nagkakilala noong 1993 ang dalawa at nagpa­kasal kaagad sa edad na 23 anyos ang babae at 28 anyos ang lalaki sa St. Anthony De Padua Church sa Anti­polo City.

Makaraan ang wa­long taon, naghain ng annulment petition si Marieta dahil sa pagi­ging psychologically incapaci­ta­ted ni Rodolfo.

Hindi umano nag­hanap ng trabaho ang kanyang asawa at du­mepende lamang sa sustento ng ina kahit tapos naman ng kole­hiyo. Maging ang kani­lang inuupahang ku­warto ay ina ang nag­babayad.

Nabigo din si Marieta na maanakan ni Ro­dolfo dahil mas mada­lang pa sa isang beses isang buwan ang kani­lang pagtatalik at nang min­sang kulitin niya na mag­trabaho ay niloko siya

Nilinaw ng Mataas na Hukuman na sa simula pa lamang ay ‘stillborn’ o patay na ang ‘marriage’ ng dalawa kaya wala nang dapat pang protek­tahan ang gobyerno na mapanatili ang kanilang pagsa­sama. (Ludy Ber­mudo)

Show comments