^

Bansa

Batas sa child pornography pinamamadali ni Rep. Teodoro

-

MANILA, Philippines – Nanawagan ang gru­pong Akap-Bata sa Kon­greso na madaliin ang pagpasa ng batas laban sa child pornography at patawan ng mabigat na parusa ang sinumang lalabag dito.

Ayon kay Akap Bata Executive Director Ar­ lene Brosas, isa sa mga nag­susulong ng nasa­bing batas ay si Rep. Nikki Teodoro, chairperson ng Committee on the Welfare of Children, kasama nito ang ilang socio-civic at religious group.

Sinabi ni Brosas na isang tulad ni Teodoro ang kailangan ng kaba­taan para malabanan ang lumalaganap na child pornography.

Umaasa naman si Bro­sas na agad na ma­isa­sabatas ang House Bill 684 ni Rep. Teodoro dahil lumagda dito ang 120 kongresista bilang co-author ng nasabing batas.

“Dahil sa pagbibigay ng malakas na suporta ng iba’t-ibang grupo na nag­mamalasakit sa mga bata, madaling maisa­sa­batas ang HB 684 na una ng pinaghirapan ni Rep. Teodoro,” wika ni Brosas. (Butch Quejada)


AKAP BATA EXECUTIVE DIRECTOR AR

AKAP-BATA

AYON

BROSAS

BUTCH QUEJADA

HOUSE BILL

NIKKI TEODORO

SHY

TEODORO

WELFARE OF CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with