^

Bansa

GMA naghanap ng basurahan, nairita

-

MANILA, Philippines – Nairita kahapon si Pangulong Gloria Maca­pa­gal-Arroyo nang ma­bigo siyang makakita ng basu­rahan makaraang sabayan niya sa tamang paghuhu­gas ng kamay bilang ba­hagi ng pag-iingat laban sa A(H1N1) virus ang mga mag-aaral sa Geronimo Santiago Elementary School sa San Miguel, Manila.

Napasimangot ang Pangulo nang matuk­lasan niyang walang ba­surahan na puwedeng pagtapunan ng ginamit niyang tissue paper sa pagpunas ng kanyang kamay sa ginanap na “handwashing” demons­tration sa mga mag-aaral kahapon.

Ipinakita ni Mrs. Arroyo sa mga mag-aaral ang tamang paghuhugas ng kanilang mga kamay at kumanta pa ito ng “happy birthday” habang nagsasa­bon ng kanyang kamay kasama ang mga estud­yante.

Nang magpunas ng tissue paper sa kanyang ka­may ang Pangulo ay nag­hanap na ito ng trash can na puwedeng pagta­punan ng ginamit niyang tissue paper pero wala siyang nakita sa lugar na kinata­tayuan niya.

“Nasaan ang basura­han,” wika pa ni Pangu­long Arroyo sa mga health official ng nasabing pa­aralan.

Tumagal nang ilang minuto bago may magbi­gay ng cardboard box kay Pangulong Arroyo kung saan ay itinapon naman nito ang ginamit niyang tissue paper.

Ipinaliwanag ng mga school officials na may­roong cardboard box na inilagay sa ilalim ng “faucet” subalit inalis ito para sa “convenience” ng Pa­ngulo kaya isang cardboard box ang ibinigay dito ng mag­hanap ng basurahan su­balit na­dismaya ang pu­nong ehekutibo dahil to­toong basurahan ang kan­yang inaasahan. (Rudy Andal)


GERONIMO SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

IPINAKITA

MRS. ARROYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACA

RUDY ANDAL

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with