MANILA, Philippines – May 10 pang pasyente sa Pilipinas ang kasa lukuyang inoobserbahan ng Department of Health para matukoy kung nahawahan ng Influenza A(H1N1) infection.
Nabatid kahapon sa DOH na walo sa mga pasyente ang nagmula sa Metro Manila, isa sa Ilocos, at isa pa sa Central Visayas.
Sa kabuuan, umaabot na sa 113 indibidwal ang naimonitor ng DOH at dalawa dito ang napatunayang merong A(H1N1).
Sinabi rin ni DOH Secretary Francisco Duque sa isang pulong-balitaan kahapon na hindi sapat ang mga thermal scanner na tulad ng ginagamit sa Ninoy Aquino International Airport para matukoy ang mga pasaherong may A(H1N1) kaya pinag-aaralan nila ang bagong pamamaraan.
Kaugnay nito, ipinalabas ng Department of Labor and Employment ang ilang mga panuntunan para maiwasang kumalat ang A(H1N1) virus sa mga lugar ng trabaho o workplace.
Nanawagan si DOLE Secretary Marianito Roque sa mga employer at mang gagawa na bumuo ng kani-kanilang paraan para maiwasan ang virus.
Idiniin din ni Duque na walang dahilan para irekomenda niya ang pagsuspinde ng pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan sa Hunyo 1 bagaman nakumpirmang dalawang tao na ang may A(H1N1) sa bansa.
Sinabi ng kalihim na naglatag na sila ng mga panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga paaralan bagaman tuloy ang kanilang pagmomonitor sa sitwasyon.
Nanawagan naman si Education Secretary Jesli Lapus sa mga estud yanteng magmumula sa ibang bansa na magpakuwarantina muna nang 10 araw o magpatingin sa ospital para matiyak kung wala silang sintomas ng virus.