^

Bansa

10 AH1N1 case inoobserbahan

- Ni Gemma Amargo-Garcia, Ludy Bermudo, Mer Layson at Rudy Andal -

MANILA, Philippines – May 10 pang pasyente sa Pilipinas ang kasa­ lu­kuyang inoobserbahan ng Department of Health para matukoy kung nahawahan ng Influenza A(H1N1) infection.

Nabatid kahapon sa DOH na walo sa mga pasyente ang nagmula sa Metro Manila, isa sa Ilocos, at isa pa sa Central Visa­yas.

Sa kabuuan, umaabot na sa 113 indibidwal ang na­imonitor ng DOH at da­lawa dito ang napatuna­yang merong A(H1N1).

Sinabi rin ni DOH Secretary Francisco Duque sa isang pulong-balitaan ka­hapon na hindi sapat ang mga thermal scanner na tulad ng ginagamit sa Ninoy Aquino International Airport para matukoy ang mga pasahe­rong may A(H1N1) kaya pinag-aaralan nila ang ba­gong pamamaraan.

Kaugnay nito, ipinala­bas ng Department of Labor and Employment ang ilang mga panuntunan para maiwasang kumalat ang A(H1N1) virus sa mga lugar ng trabaho o workplace.

Nanawagan si DOLE Secretary Marianito Roque sa mga employer at mang­ gagawa na bumuo ng kani-kanilang paraan para ma­iwasan ang virus.

Idiniin din ni Duque na walang dahilan para ireko­menda niya ang pagsus­pinde ng pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan sa Hunyo 1 bagaman na­kumpirmang dalawang tao na ang may A(H1N1) sa bansa.

Sinabi ng kalihim na naglatag na sila ng mga panuntunan para maiwa­san ang pagkalat ng virus sa mga paaralan baga­man tuloy ang kanilang pagmo­monitor sa sitwas­yon.

Nanawagan naman si Education Secretary Jesli Lapus sa mga estud­ yan­teng magmumula sa ibang bansa na magpakuwaran­tina muna nang 10 araw o magpatingin sa ospital para matiyak kung wala silang sintomas ng virus.


CENTRAL VISA

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

INFLUENZA A

METRO MANILA

NANAWAGAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with