^

Bansa

Beauty queen, ilan pang artista may sex video rin kay Hayden!

-

MANILA, Philippines - Marami pa umanong sex video ang kontro­ber­siyal na doctor na si Hay­den Kho na hindi luma­labas sa publiko kung saan kasama ang isang beauty queen at ilang kilalang artista.

Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., hindi na dapat pani­walaan ang sinasabi ni Kho lalo pa’t nauna na niyang itinanggi na may sex video sila ni Katrina Halili pero lu­ mabas na nagsisinu­nga­ling siya.

Umaasa si Revilla na hindi na lalabas sa pub­liko ang iba pang sex video ni Kho sa beauty queen at ilang artista upang hindi masira ang buhay ng mga ito.

“Totoo iyon, mayroon pang isang beauty queen. Actually may ilan ilan pang artista. Sana huwag nang lumabas ang mga video na iyan,” ani Re­villa.

Hindi rin nagustuhan ni Revilla ang balitang nakarating sa kanya na hindi sinsero si Kho sa paghingi ng tawad sa mga naging biktima niya dahil nagpa-awa effect lamang ito sa pag-asang makakalusot sa patong-patong na reklamo laban sa kanya.

May mga nakakita umano na pagkatapos mag-sorry ni Kho sa ha­rap ng camera ay nag­tawa ito sa isang tabi.

Posibleng isa umano sa gagamiting istratehiya ni Kho ang isisisi ang pagpapakalat ng video sa sinasabing kaibigan nito na nakakuha ng mga sex video.

Una rito ay kinum­pirma mismo ni Atty. Adel Tamano, ang abugado ni Dra. Vicki Belo, na may sex video din ang kan­yang kliyente sa ex-boyfriend na si Hayden.

“This was a purely private video, it was not intended for anyone else to see. This was between two consenting adults and the agreement between Dr. Belo and Dr. Kho was pagkatapos ishoot yung video at mapanood nila, immediately it would be deleted,” paglilinaw ni Ta­mano sa isang press conference kamakalawa ng gabi.

Ginawa ni Tamano ang pahayag matapos silang makatanggap ng impor­ masyon na may­roong ku­makalat na sex video sina Dra. Belo at Kho.

“We confirm that there is such video,” ani Ta­mano.

Sa susunod na linggo ay maghahain na si Belo ng kanyang counter-affidavit sa NBI.

Nagpahiwatig na rin ang kampo ni Kho at ni Engr. Eric Johnston Chua na lulutang na sa NBI nga­yong Lunes. (Malou Escudero/Ludy Ber­mudo)

vuukle comment

ADEL TAMANO

BELO

DR. KHO

DRA

ERIC JOHNSTON CHUA

KATRINA HALILI

KHO

REVILLA

SHY

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with