MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang mga miyembro ng minorya sa Senado upang ipatigil ang imbestigasyon ng Committee of the Whole kay Senator Manny Villar kaugnay sa C-5 road scandal.
Inakusahan ng minorya ang mayorya ng mga senador sa inihain nilang 28-pahinang petisyon na umabuso sa kanilang diskresyon nang gamitin ang rules ng ethics committee sa imbestigasyon ng Committee of the Whole na pinamumunuan ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Ang anim na lumagda sa petisyon ay sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Senators Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo, Francis Pangilinan, Pia Cayetano at Villar. (Malou Escudero/Gemma Garcia)