^

Bansa

Konsehal kinasuhan ng estafa

-

MANILA, Philippines – Sinampahan ng ka­song estafa ang dating Konsehal ng Tanauan, Batangas matapos uma­nong mabigo itong mag­bayad ng utang na nag­kakahalaga ng P18.6 M.

Sa record ng korte si Herminio R. Vivas ay na­ngutang umano sa President Jose P. Laurel Bank Inc., kung saan iprinenda nito ang kan­yang pitong ari-arian.

Noong Marso 2008 ay tinangka umano ni Vivas na makuha ang owners duplicate copies ng mga titulong na­iprenda nito ngunit hindi ito nagta­gum­pay dahil sa hindi pa naka­ka­ba­yad ng kanyang utang.

Bunsod nito’y na­pilitan si Vivas na mag-isyu ng mga cheke ng RCBC na may petsang March 15, 2008 para makuha ang mga na­sabing titulo.

Subalit pagsapit ng nabanggit na petsa ay tumalbog ang inisyu nitong cheke dahil isi­nara nito ang kanyang account sa RCBC.

Makailang ulit na uma­nong pinaabisuhan si Vivas hinggil sa tumalbog nitong cheke ngunit hindi ito umak­siyon. (Angie dela Cruz)


ANGIE

BATANGAS

BUNSOD

CRUZ

HERMINIO R

KONSEHAL

LAUREL BANK INC

NOONG MARSO

PRESIDENT JOSE P

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with