Erap panauhin sa 'Tindahan ni Aling Puring'
MANILA, Philippines - Si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang panauhing pandangal sa panimula ng ikaapat na “Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention” ng Puregold sa World Trade Center sa Mayo 21-23.
Nagpasalamat si Puregold Price Club President Aida de Guzman sa pagpapaunlak ni Estrada sa kanilang imbitasyon. Layunin nila rito na hikayatin na dumami pa ang mga retailer o entrepreneur na Pilipino.
Dadalo rin sa okasyon ang negosyanteng si Socorro Ramos na tagapundar ng National Book Store at magbabahagi ng sarili nitong karanasan sa pagnenegosyo.
“Isasagawa din ang Puregold Job Fair para sa mga mahal sa buhay ng mga Aling Puring members na nais mag-apply sa mga job openings sa aming 30 na tindahan at sa mga bagong tindahan na itatayo namn,” sabi ni Guzman.
Eksklusibong bukas ito para sa mga 150,000 miyembro ng Puregold sa Mayo 21 at 22 samantalang sa Mayo 23 ay bubuksan na ito sa publiko.
- Latest
- Trending