Bayani Fernando tuloy na sa 2010

MANILA, Philippines - Pormal ng nag-dek­ lara kahapon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando ng kan­yang pag-takbo sa pagka-Pangulo para sa 2010 national elections.

Sinabi ni Fernando na kampante siya at malaki ang kanyang paniniwala na siya ang mapipiling “standard bearer” ng Lakas-NUCD o ng admi­nistra­siyon.

Sakali man na hindi siya ang iindorso ng nasabing par­tido, sinabi nito na “bahala na” at tuloy pa rin umano ang kaniyang pag-takbo at buong-buo ang kaniyang loob para rito.

Sinabi pa ni Fernando na ang pagkakaroon niya ng “political will” sa pag­pa­paunlad sa bansa at pag­pairal sa batas ang kani­yang magiging ba­tayan o plataporma. (Rose Tesoro)

Show comments