Bayani Fernando tuloy na sa 2010
MANILA, Philippines - Pormal ng nag-dek lara kahapon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando ng kanyang pag-takbo sa pagka-Pangulo para sa 2010 national elections.
Sinabi ni Fernando na kampante siya at malaki ang kanyang paniniwala na siya ang mapipiling “standard bearer” ng Lakas-NUCD o ng administrasiyon.
Sakali man na hindi siya ang iindorso ng nasabing partido, sinabi nito na “bahala na” at tuloy pa rin umano ang kaniyang pag-takbo at buong-buo ang kaniyang loob para rito.
Sinabi pa ni Fernando na ang pagkakaroon niya ng “political will” sa pagpapaunlad sa bansa at pagpairal sa batas ang kaniyang magiging batayan o plataporma. (Rose Tesoro)
- Latest
- Trending