Villafuerte atras sa Charter change

MANILA, Philippines – Pormal nang binawi kahapon ni Camarines Sur Congressman Luis Villa­ fuerte ang suporta niya sa panukalang Charter Change (Cha-Cha) o pag­sususog sa Konsti­tusyon matapos niyang ipatang­gal ang kanyang lagda sa House Resolution 1109.

“Kung naghihingalo na ang Cha-Cha, huwag na nating patagalin ang pagdurusa. Wala nang saysay ang anumang pagsisikap na maibangon ito,” sabi ni Villafuerte na pangulo ng makaad­minis­trasyong Kabalikat ng Mamamayang Pilipino.

Ang naturang reso­lusyon ay humihingi na buuin ang Constituent Assembly nang hindi kasama ang Senado na tutol naman sa Cha-Cha. (Butch Quejada)

Show comments