Pinas number 10 sa gun killing

MANILA, Philippines – Nasa rank number 10 ang Pilipinas sa mga kaso ng pagpatay sa pa­ma­magitan ng mga baril na walang lisensya sa buong mundo.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Ver­zosa sa National Summit on Firearms Control na ginaganap sa Camp Cra­me.

Sinabi ni Verzosa na labis na nakakaalarma dahil mula sa taong 2004 hanggang 2008 ay aabot sa 97.7 porsiyento ng mga krimen ay sanhi ng mga loose firearms o mga baril na walang mga li­sensya.

Sinabi ni Verzosa na tututukan ng PNP ang pag­kontrol sa mga loose firearms na karaniwan ng na­gagamit sa mga ka­rumaldumal na krimen. (Joy Cantos)

Show comments